?

Log in

Life is Like a Rock (because it's so hard) [entries|friends|calendar]
kinagatng7lions

[ userinfo | livejournal userinfo ]
[ calendar | livejournal calendar ]

[16 Aug 2009|05:05pm]
Watercolor, you are such a fucker.
1 attacking lionsattacking lions | bite them, my precious!

When Life Gives You Lemons, Make Lemonade. When Life Gives You Shit... Don't Make Anything. Kadiri. [10 Aug 2009|04:13pm]

sandee d:
sup
kinagatng7lions: the universe is metaphorically kicking my balls
sandee d: how's that
kinagatng7lions: one
kinagatng7lions: kalahati ng bahay walang kuryente dahil pumutok ang fuse
kinagatng7lions: two
kinagatng7lions: nasira yung ginagawa ko sa PS dahil namatay yung kuryente
kinagatng7lions: three
kinagatng7lions: nung nawalan ng kuryente biglang bumaba yung free space ng computer from 1.9 gb to 200 mb
kinagatng7lions: four
kinagatng7lions: dahil 350 mb na lang (after deleting files) ang memory, hindi ko mabuksan ang PS at hindi ko magawa plate ko
kinagatng7lions: at five
kinagatng7lions: nanganak ang pusa ko sa kama ko, so may dugo. at hindi ko pwede pang galawin ng newly born kittens
sandee d: @.@
sandee d: holyshit
sandee d: your balls are in a sling



Hello Universe. Please try harder kasi buhay pa ako. Hindi pa sapat yan para tumumba ako, mhen.

4 attacking lionsattacking lions | bite them, my precious!

Slacking off. Slacking off. [08 Aug 2009|07:11am]
Rayson, mag-research ka na. Gawin mo na yung plate kay Doloricon. Itago mo na muna sina Alex, Adrian at Daniel sa iyong munting folio at tapusin mo muna ang mga dapat mong gawin. Tama na muna ang pagbabasa ng mga cheesy shoujo manga.

Work ka muna, tapos saka na yan.

Signed,
Rayson (din)
bite them, my precious!

[27 Jul 2009|11:17pm]
Meron akong awesome friends na tinutulungan ako kapag kinakailangan ko sila, at hindi ko man sila mabayaran sa kabaitan nila sa akin, I will strive to be the best person I can possibly be not only for myself, but also for them.

It's great to have great friends.
4 attacking lionsattacking lions | bite them, my precious!

INSANE MOMENTS [26 Jul 2009|08:10pm]
[ mood | PANIC ]

Fact 1: Nagfa-fluctuate ang kuryente dito every now and then.
Fact 2: Gumagawa ako ng plate at nag-fluctuate ang kuryente. Nasira ang plate ko, hindi ko na mabuksan.
Fact 3: Nangyari ang Fact 2 twice.
Fact 4: Naghihingalo na ang computer ko. 600 mb na lang ang free space sa hard disk ko. Puno na ang scratch area kaya ayaw na gumana ni Photoshop-chan.
Fact 5: Due na ang plate ko on Tuesday.
Fact 6: Nasa Davao ang mga tao so meron akong 300 peso budget na pagkakasyahin ko hanggang Wednesday.
Fact 7: Meron akong migraine, at ubos na ang pagkain ng pusa.
Fact 8: I'm doomed.

2 attacking lionsattacking lions | bite them, my precious!

[25 Jul 2009|08:03pm]

HAPPY BIRTHDAY SANMRA DUNGS!




***


Nagre-recover pa rin ako sa ubo't sipon. Solo-flight pa rin ako halos sa bahay dahil kalahati ng pamilya ko ay pumunta ng Davao para sa libing ni lolo. Wala na akong ibang ginawa kundi tumunganga, mag-drawing, at mag-isip.

Iniisip ko na ang buhay ay isang malungkot na game ng habulan: meron kang inaasam na tao o bagay, at ang tao o bagay na yon ay may inaasam na iba pa. Para siyang pointless na mataya-taya, pero kahit alam mong pointless nilalaro mo pa rin. Parang Super Mario lang.



Nagsusulat na lang ako ng Shoujo Manga. It keeps me sane.
3 attacking lionsattacking lions | bite them, my precious!

SUDDEN REALIZATION [20 Jul 2009|09:31pm]
Ever since nag-college (at anim na taon na ako sa college, congrats) hindi na ako tinatamad pumasok, ever.

Malamang sa malamang dahil sa nilu-look forward kong makasama ang mga taong importante sa buhay ko. Yung makatawanan sila, makaasaran, makakwentuhan. Kahit minsan uupo lang kami at kakainin ng comfortable silence. Magpapasahan ng notes para laitin ang teacher, magbabatukan kapag may katangahang ginawa, mag-iiyakan kapag may nangyari masama.

Random thought. Hello, my friends (see how they glisten).
1 attacking lionsattacking lions | bite them, my precious!

[03 Jul 2009|08:51pm]
This morning nagising ako sa text ni Bianx na dinala niya si Ham sa hospital.

Three hours later, tumawag siya na patay na si Ham. Cardiac Arrest of some sort. innatake pala sa puso ang mga guinea pig, 'no. Rest in peace, Hamstair.

***


Malabo panaginip ko kanina: sa panaginip ko Isa was telling me to wear the white shirt she gave me last Christmas, pati yung d20 necklace. Somewhere in the background ng panaginip, tumatalon si Jin sa trampoline kasama si Denver (yes, yung huling dinosaur na kabarkada ng lahat! O, Denver, gusto mong kumain sa Jollibee? I'm sure hindi matatakot ang mga bata sa'yo kasi naka-disguise ka dahil nakasuot ay iyong malupit na Hawaiian polo and shades!).

So pagkagising ko, sinuot ko nga yung sinabi ni Panaginip Version ni Caruncho.
bite them, my precious!

[23 Jun 2009|10:57pm]
Pumunta sa Greenhills with Bianca, Miguel and Jin after maghintay sa FA ng lima't kalahating oras. Thanks, Filipino Time! Nagkakaroon ako ng free dinner dahil sa iyo!

Nadiskubre ko na hindi naman ako naaasar kapag naghihintay, basta ina-update lang ako kung nasaan na ang mga imi-meet ko.


In other news, nahiritan na naman ako ng bading kanina. Kasing nakakabastos lang din yan ng mga tambay na humihirit sa mga babae na "hey, mis byutipul" or "hoy, sexy". At least naman sana magkaroon ng decency na... ewan.

At sana Lord minsan naman babae naman humirit sa akin. okay lang kahit pangit. Minsan lang, please.
bite them, my precious!

[12 Jun 2009|06:51am]
[ mood | bored ]

Oh shit, I'm drawing guys!

Photobucket
Practice lang guys. Alam kong mukha siyang cover ng isang cheesy romance novel. Needs editing.


I know, I know. Isang tingin lang sa picture parang gusto mong lagyan ng title sa likod. Something like: "Nakalimutan Kong Kalimutan Ka" o "No Me Gusta Okra (a tale of love)". Kung hindi niyo pa alam, ako yung tipong ng artist na puro landscapes at babae ang dino-drawing. Nong Grade 4 pa ako puro lalaki naman ang kaya kong i-drawing dahil addict pa ako sa Dragonball at Yu yu. Tapos na-realize ko one day na, dammit Rayson, you need to learn how to draw the leading lady.

Needless to say, mukhang lalaki na may boobs at lipstick ang una kong drawing (yes, tingin ko noon boobs lang at lipstick, pwede na magmukhang babae ang drawing. I was 9, okay?). After that hindi na ako tumigil. Hanggang sa pati mga lalaki kong drawing mukha na ring babae (funnily enough, hindi ko naisip gumawa ng shoujo-ish manga).



ON GEEKERY


Addicted na ako sa pagtingin sa Dark Sword Miniatures. Hindi pa nakakatulong na binigyan ako ni Miguel ng isang miniature from the States. Ngayon deadset na akong ubusin ang pera ko sa mga ito. Kung naging pulubi ako in the future, alam niyo na kung ano ang sisisihin. I'm really considering na mag-drawing ng yaoi doujin for Yaoicon para sa extra cash (*gasp* *hitit ng hangin*). Pero since hindi naman ako masyadong nagbabasa ng yaoi, hindi rin ako makasulat ng kwento (little help, girls?). Oo, desperado ako sa pera for miniatures na kahit mag-drawing ako ng something na magiging fap material ng adolescent girls, gagawin ko. Wait, that doesn't sound so bad. Manyak ka, Rayson.

Spent the whole afternoon kahapon statting NPCs para sa DnD campaign namin nila Kat Teh. You are sooo screwed, guys. And napatunayan ko uli na uber-geek ako, dahil sobrang geek ng taong nagsusulat ng fictional characters na makikita lang ng limang tao habang nagro-roll ng dice.
3 attacking lionsattacking lions | bite them, my precious!

We Have a Ship, Cap'n! [09 Jun 2009|09:24pm]
[ mood | calm ]

So sinubukan ko ang technique na tinuro ni Sandra sa Baguio kung paano hulihin ang mga gamu-gamong umaaligid sa mga lightbulbs. So far it's working. Maraming gamu-gamo ang nakahiga ngayon sa plastic bag, umiiyak sa kanilang kawalan ng pakpak at nagdadasal sa diyos ng mga gamu-gamo para sa isang himala.

Bumili ang tatay ko ng barko.






...at less than 3 feet ang barkong tinutukoy ko. Gawa ito sa sandal wood at magiging permanenteng bahay ng aking pirate miniatures. Eto yung isang quirk ng tatay ko e; bibili siya ng random stuff sa mga preso/asawa ng preso/magtitinda ng encyclopedia sa kanta ng Q. Ave./whatever dahil nagkwento sila ng kwento na parang hinugot sa writers ng Maalaala Mo Kaya (Dear Col. Lozada, itago niyo na lang po ako sa pangalang... Barbero). At pinaniniwalaan naman niya.

So far, nakabili na siya ng Cook Book, daga, stuff toy na mukhang ginawa ng mga taong walang idea kung ano ang cute, at barko na malamang paglalaruan ng pamangkin ko once na-get over niya ang kanyang "I-love-trucks-and-nothing-else" phase.

Well, itatago ko muna at paglalaruan (not to mention imo-modify ko't pipinturahan para maging mas realistic na pirate ship) bago pa niya mahawakan ito gamit ang kanyang maliliit na kamay. Magkakamatay tayo, Marcus. Magkakamatayan muna tayo. Hindi mo pwedeng paglaruan ang mga toys ni Tito Rayson.

bite them, my precious!

[06 Jun 2009|01:06pm]
Hindi ko alam kung ano ba dapat kong maramdaman ngayon.

Baka halu-halo lang ang pangit na panahon, masamang balita galing sa iba't ibang lugar ng Pilipinas, namamatay na isda sa aquarium, whatEver Gotesco Commonwealth. Bottom line is, malungkot ako ngayon.

My lolo is kind of... dying. I really really hope na nagbibiro lang ako, o kaya nage-exaggerate. Sana lang hindi mangyari talaga. Sana.

Napu-put into perspective tuloy yung iba kong maliliit na problema. I still feel incompetent and insignificant and small. Palagi na lang akong hindi sapat, bilang anak, kaibigan, kahit ano.








...tingin ko male PMS tiemz ito e. Oh well.
bite them, my precious!

TIME-SPACE WARP, NGAYUN DIN [27 Apr 2009|09:29pm]
Okay, so last Friday nakita ko si Liberty. Hooboy.

It was weird in a nice way. Hindi naman araw-araw nakikita mo ang high school love interest mo 'diba? Pero looking back, kung babalik ako sa nakaraan hindi siya ang magiging prime target ng affections ko. Not because she's unattractive or hindi ko gusto ugali niya, meron lang talagang... kulang. Hindi ko alam how I feel about this revelation. I think tama lang ang salitang "weird".

Oh High School. Parang awesome years ka sana, kung tatanggalin lang mga katangahang ginawa ng mga tao habang andyan ka. HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA.
2 attacking lionsattacking lions | bite them, my precious!

[14 Apr 2009|10:39pm]
Today, I learned something new.

Bakku-shan noun, Japanese

1) maganda lang kapag tinignan from behind
2) talikogenic



And apparently, wala na akong briefs and puro boxers na lang nasa closet ko. So hindi na ako boxers/briefs hybrid user. Now to solve the mystery of the missing briefs.
6 attacking lionsattacking lions | bite them, my precious!

What you will find if you search "Happy Birthday Isabel" sa Google [08 Apr 2009|08:57pm]
[ mood | hapi bersday, omae ]




Wonder who Dakka is.
2 attacking lionsattacking lions | bite them, my precious!

[07 Apr 2009|10:53am]
[ mood | happy ]

Since naputulan kami ng Internet connection kahapon at wala naman akong magawa sa bahay, naisip kong lusubin ang bahay ni Jolo (at makigamit na rin ng internet).


Pic unrelated pero ang cool ng Schwarz e.


HS Barkada Manry Bonding TiemzCollapse )
Na-miss ko bigla ang high school, kung saan mas simple lahat ng bagay at masyado pa akong inexperienced para maging pessimistic. Kung saan lahat ng problema ay nare-resolve sa paglalakad sa Sacred Heart, katabi ang iyong mga kaibigan at nagpapalitan ng mga kwento. Kung saan ang mga inuman ay sa DK Canteen at ang beer ay RC Cola.

Uupo ka lang sa ilalim ng Sacred Heart Church at titignan ang mga bituin. At ayos na ang lahat sa mundo.

All these places had their moments
With lovers and friends I still can recall
Some are dead and some are living
In my life I've loved them all
bite them, my precious!

[05 Apr 2009|10:19pm]
May sinulat akong short story, pero binura ko after reading it kasi it's the same crap na sinusulat ko over and over.

I need new material.
bite them, my precious!

Rayson's Day (in bullet form) [04 Apr 2009|04:52am]
[ mood | weiiiiird ]

Picture strategically placed to get your attention (or gusto ko lang mang-mindfuck.)



more mindfuck, pero mas mahinaCollapse )
7 attacking lionsattacking lions | bite them, my precious!

Revelation [01 Apr 2009|11:03pm]
[ mood | bouncy ]

May aaminin ako sa inyong lahat na malupit:


Bakla ako.




Photobucket
Pictured: Ultimate Gayness. Ulti-mate. GET IT?





 
click more?Collapse )
6 attacking lionsattacking lions | bite them, my precious!

Dungeons and Dragons GEEKERY [17 Mar 2009|08:23pm]
[ mood | amused ]

Procrastination is good. Dapat gumagawa ako ng plate ngayon pero hindi pa ako tinatamaan ng inspirasyon e (it's just another way of saying na "tinatamad ako").


At dahil wala akong magawa, ipo-post ko ang pictures ng past, present and future Dungeons and Dragons players ko! Ta-dah!

Note: Ang mga picture na ito ay pinagkukuha lamang sa internet na walang pahintulot ng kahit na sino. Huwag niyo po kaming idedemanda, wala kaming pera. Bow.

Oo na, wala na akong buhay. Pero mas cool pa rin ako sa'yo.>Collapse )

7 attacking lionsattacking lions | bite them, my precious!

navigation
[ viewing | most recent entries ]
[ go | earlier ]